DSWD-AICS Distribution in Oriental Mindoro

Sa ikatlong pagkakataon, nagbalik muli ang #TeamLoren sa Oriental Mindoro para sa distribution ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Ang tulong pinansyal ay aming ipinaabot sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay. 1,000 mangingisda ang nakatanggap ng PHP 2,000 bawat isa. Nakapagbahagi rin tayo ng 2,000 food packs para sa parehong bayan.

Salamat sa pakikipagtulungan, Mayor Ernilo Villas ng Bulalacao at Mayor Ferdinand Maliwanag ng Mansalay. Salamat din kay former Governor Benjamin “Chippy” Espiritu para sa palagiang pag-representa sa akin.

Hangad ko po na ang tulong pinansyal na ito ay nakapaghatid ng ginhawa sa ating mga kababayan.

#LodiKoSiLoren