Lingkod Loren: Handog sa mga Bata

Mahalaga sa kabataan ang pag-inom ng gatas para palakasin ang kanilang pangangatawan at isipan.
Pumunta ang #TeamLingkodLoren sa Zone 19, Maricaban, Pasay City para mamigay ng fresh milk at chocolate milk sa 72 mag-aaral ng Brgy. 180 Day Care Center. Masaya ring nakatanggap ng kape ang kanilang mga guro at magulang.
Isa sa aking mga adbokasyia ang maging malusog ang kapwa ko Pilipino kaya’t asahan ninyo ang patuloy na pamamahagi natin ng gatas sa tulong ng San Miguel Corporation. Sana ay napasaya kayo ng munting handog na ito. 💚